GUNITA Tag-ulan na naman, sapit sa aming puso'y lungkot at kasiyahan Sariwa pa sa aming isipan, nung bago pa lamang tayo sa paaralan Taglay ang murang isipan, dulot ng ating kamusmusan Simula pito hanggang dose, kaunti man ngunit samahan ay swabeng-swabe Mula kay Erwin na hilig ang magpatawa, ngunit magalang naman sa tuwina Kay Ilycc at Camille na ganadong tumawa, mga kaakit-akit na dalaga kung iyong makikita Si Jeffrey naman ay hilig ang musika, hawag lagi'y kanyang gitara Topak ay kanyang sinimulan, na sa ami'y nagbigay daan Upang aming masilayan ang tunay na pagkakaibigan Hindi naman magpapatalo si Rolando sa kagwapuhan, at mas lalo na sa sayawan Hahamunin kahit si Anthony na matigas ang katawan, ngunit kaibigan naman na maaasahan Kahit palabiro kung minsan, nung isang tao'y nahirang siyang Lakan Kung kompuyter naman ang pag-uusapan, si Daneika Jelo ang swak dyan Siya ang "Friendster" ng grupo kahit saan, mabait at mapagbigay kahit kailan Kung salpakan ang pag-uusapan, si Ace na duelist ay walang aatrasan Pati si IC at Mark na matalik na magkaibigan, mapa-kabiguan at kasiyahan Kung Spongecola naman ang mariringgan, si Jesselle na si Yael ang kinababaliwan Minsa'y naging Bb. Agham dahil sa kanyang katalinuhan, pati na rin sa angking kagandahan Kung basketball naman ang lalaruin, ang MVP kuno ay kami ni Erwin Kung minsan bakanteng oras ay matsempuhan, kami'y aawit at magtutugtugan Ang iba nama'y magkukwentuhan sa bughaw na kalangitan Minsan din, sa physics kami ay natensyon, sa haba ng mga pormula at mga solusyon Naghalu-halo pati radian per revolution, di na tuloy malaman ang akselereysyon Nakakakulta talaga ng utak, sa sagot ay labis kaming na-shock Kadalasan kami'y masaya at nagkakaisa, "walang iwanan", itong aming sumpa Pati sa kabiguan ay sama-sama, na matatawag kong pamilya Ngunit minsan rin, kami'y nagkakaasaran, nagkakagalit at nagkakatampuhan Patawad kung tayo'y nagkakasakitan at upang maayos ang kaguluhan Nariyan si Bb. Marj na dulot ay kapayapaan, pati na rin pagmamahalan At mula noong isang taon pa, kami'y lalo pang nahilig sa musika At nag-desisyong bumuo ng 'sang banda "Chimney" ay dito nagsimula, "Umaga" ang paborito naming kanta Na naisulat dulot sa lungkot at saya, pag-ibig para sa isang sinisinta Ang kanyang pangunahing tema, at dapat manatili sa 'ting puso ang pag-asa Subalit apat na buwan na lamang ang nalalabi, oras ay patuloy pang umiiksi Buhay nami'y sadyang ganyan, pagsisikap at pagtitiyaga'y kailangan Upang ang hamon ng tadhana'y mapagtagumpayan Kaya't bago kami magtapos, kami'y nagpapasalamat ng lubos Sa Poong Maykapal na sa ami'y gumabay, sapagkat mundo nami'y naging makulay Hindi maipaliwanag ng agham ang aming nararamdaman Dahil ang hirap palang magpaalam, sa mga gunitang ating nasimulan ~ written by Erickson Berja, 2006 ilycc - maganda, mabait, astig, masarap asarin.....hehehe....maliit pero palaban, sadista, mapagbigay (pag binigyan mo) hehehe.....matakaw? hehehe.....basta sya astig, matulungin pag kailangan mo.....the best!! jesselle - maganda, cute, tahimik pero sadista.....hehehe.....astig, intsikin, matangkad mahinhin, athletic (sa kabaliktaran) hehehe.....matulungin, nagbibigay inspirasyon, mapagbigay.....isa sa mga the best!! JUMPSHOT!! camille - maputi (pero itim daw sya), sadista, astig tumawa, nakakatuwa, cute, maganda, matulungin, pag masaya sya ako lagi binubugbog.....hehehe..... daneika - astig, filipina look, beauty ng pinay, tangkad, malupit, minsan lang manakit pero masakit talaga.....hahaha.....astig pag kailangan mo nanyan kagad mark - astig, isa sa mga kabarkada, malupit kausap, makulit, antukin ic - astig ang ibon, lupit, magulo pag tulog, magulo pag kausap, nakakatawa, ulol wild boar erickson - desperado sa love, astig, maingay, magulo, nakakatawa, nakakaasar, grabe pag in-love, MATAKAW, pag libre nandyan jhun - seryoso pero makulit, promotor, maingay, TALENTADO SYA!! astig, lupit ng mga experiences kakainggit, responsable (minsan hehehe.....eagle eye, kakatawa, kakabitin, pilosopo, mabait, wild, mata mo!! toni - astig, kakatawa, laking bata, MAMA!! kapre ang boses, adik sa text, lakas trip, mukang seryoso pero makulit, maingay, pilosopo, tahimik na maingay (labo nun ah) tahimik tignan pero maingay, makapal ang apog at syempre mabait, mabangis jeff - ah bebe, waayus sa trip yun pare ah, mabait, astig, musikero ng grupo, makulit, kakatawa, lakas trip, astig ang experiences pero di kakainggit (maiinggit ka ba sa experience nyang di matulog hahaha) bangis, wild, kabarkada lahat, tahimik pero pilosopo, astig sa advice (pag di matino) MASIPAG? ah 'tol balak natin? ETAT RESERVATION!!
wala lang naman................wala na naman akong magawa so far, may hangover parin ako...........ay grabeh kapagod ang buhay!! pero enjoy!! hehehehe!! sarap matulog. pero hindi pa ako inaantok. hey guys add niyo ako sa Friendster: daneikajelo@netscape.net... more
![]() MTS LIfevideo courtesy of Ilycc Anne Aurelio (thanks ka-CIDJ!!)
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||




